Integrated Coastal Area Management Plan 2024-2028, gabay sa higit na pangangalaga sa mga baybayin at magpapaunlad sa pangisdaan

September 2, 2026 | News by PISD

๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿด, ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป

02 Setyembre 2026, Lungsod ng Calapan – Patuloy na isinusulong sa lalawigan ang higit na pagpapatatag ng mga baybayin at mas likas-kayang pagpapaunlad sa sektor ng pangisdaan sa pamamagitan ng Integrated Coastal Area Management Plan (ICAMP) 2024-2028.

Kaugnay nito, nagtipon ngayong araw ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga pribadong grupong katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan para sa nasabing layunin upang i-presenta at pag-usapan ang balangkas ng ICAMP 2024-2028

Ang pagbuo nito ay inisyatiba ng Malampaya Foundation, Inc., katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro at iba pang partner agencies sa ilalim ng Verde Island Passage Conservation Program, tulad ng DOE, PNOC EC, UC38 LLC at Prime Energy.

Magsisilbi itong gabay sa paglikha ng mga programa at polisiyang higit na mangangalaga sa mga baybayin, at magbabawas sa panganib na dulot ng pabagu-bagong lagay ng panahon at iba pang mga hamong nakaaapekto rito.

Gayundin, itatakda nito ang mga mahahalagang hakbang at mga pamamaraan tungo sa mas likas-kayang kabuhayan para sa mga komunidad na kabilang sa sektor ng pangisdaan.

Pinangasiwaan naman ang gawain ng Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO) na pinamumunuan ni Provincial Agriculturist Christine Pine, sa pamamagitan ng Fisheries and CRM Division.

Pinangunahan naman ang naging presentasyon ng ICAMP 2024-2028 ni ICAMP Consultant Dr. Katherine Sanchez-Escalona.

Dinaluhan ito nina Provincial Environment and Natural Resources (PG-ENR) Officer EnP Lily May E. Lim, mga kinatawan mula sa Provincial Legal Office (PLO), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Conservation International Philippines at iba pang mga konsernadong ahensya.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/1JBSds7R5V/

Scroll to Top