Tseke ng unang tranche para sa mga proyektong bagong classrooms sa mga paaralan ng OrMin., tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan

September 1, 2026 | News by PISD 

Personal nating tinanggap mula sa DepED Central Office – Cash Division kasama ang ating kahero mula sa Provincial Treasurer’s Office Gilbert Bagus ang tseke ng unang tranche para sa mga proyektong bagong classrooms sa mga paaralan ng Oriental Mindoro na ipinagagawa sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan. Inaasahang matatapos ang unang batch ng mga bagong classrooms sa susunod na dalawang buwan.

Samantala, kasalukuyang ginagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang procurement para naman sa ikalawang batch ng mga classrooms na ibinigay ng DepEd sa pamamagitan ni Sec. Sonny Angara sa bisa ng MOA ng DepEd at PGOM.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DRwY5ufwH/

Scroll to Top