Road Advisory: Mag-ingat sa pagbiyahe

August 29, 2026 | News by PISD

𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗔𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬! ⚠️

𝗠𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗬𝗔𝗛𝗘!

Pinapaalalahanan ang lahat ng mga motorista na mag-ingat at magbagal sa pagmamaneho sa bahagi ng Minolo, San Isidro dahil madulas ang daan bunsod ng patuloy na pag-ulan, August 29, 2026.

May naiulat ding bahagyang muling pagguho ng lupa sa lugar, at pinapayuhan ang lahat na:

✅Maging alerto sa paligid, at unahin ang kaligtasan;

✅Mag-ingat sa mga bahaging may putik at debris;

✅Iwasang huminto o magparada malapit sa gilid ng bundok; at

✅Sumunod sa mga abiso at panuto ng mga awtoridad at clearing personnel.

Paalala: Unahin ang kaligtasan. Kung hindi kinakailangang bumiyahe, mas mainam na ipagpaliban muna ang pagdaan sa apektadong lugar.

Manatiling alerto at mag-ingat, Puerto Galera! 🙏

Photo from Municipal Engineering Office.

#roadadvisory#PIOPuertoGalera

Source: https://www.facebook.com/share/p/18FtXBEYKV/

Scroll to Top