Project S.H.I.E.L.D. ng OrMin. PPO, ginawaran ng Regional Outstanding CSOP Practice ng NAPOLCOM

September 1, 2026 | News by PISDΒ 

𝗣π—₯π—’π—π—˜π—–π—§ 𝗦.𝗛.π—œ.π—˜.π—Ÿ.𝗗. π—‘π—š 𝗒π—₯π—œπ—˜π—‘π—§π—”π—Ÿ π— π—œπ—‘π——π—’π—₯𝗒 𝗣π—₯π—’π—©π—œπ—‘π—–π—œπ—”π—Ÿ π—£π—’π—Ÿπ—œπ—–π—˜ π—’π—™π—™π—œπ—–π—˜ (𝗒π—₯π— π—œπ—‘ 𝗣𝗣𝗒) π—šπ—œπ—‘π—”π—ͺ𝗔𝗗𝗔𝗑 π—‘π—š π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—’π—¨π—§π—¦π—§π—”π—‘π——π—œπ—‘π—š 𝗖𝗦𝗒𝗣 𝗣π—₯π—”π—–π—§π—œπ—–π—˜ π—‘π—š π—‘π—”π—£π—’π—Ÿπ—–π—’π— 

Sa pangunguna ni PCOL EDISON V. REVITA bilang Provincial Director ng Oriental Mindoro PPO ipinatupad ang Project S.H.I.E.L.D. na kumakatawan sa Strategic Security Operations, Harmonized Community Engagement, Integrated Law Enforcement Collaboration, Effective Administrative Function, Laser Focus Investigation, at Digital Information Drive taong 2025. Sa pamamagitan ng Project S.H.I.E.L.D., pinagtitibay ang ugnayan ng kapulisan, iba pang law enforcement agencies, mga katuwang na institusyon, at higit sa lahat, ng komunidad para sa isang mapayapa, ligtas at maayos na lalawigan. Sa loob ng isang taon ay mas naramdaman natin ang presensya, aksyon at kakisigan ng ating mga kapulisan.

Ang pagkilala sa Project S.H.I.E.L.D. bilang outstanding Community and Service-Oriented Policing (CSOP) Practice ay nagpapatunay na mas nagiging epektibo ang crime prevention kapag ang kapulisan at komunidad ay magkatuwang sa iisang layunin.

Muli po, pagbati sa ating Oriental Mindoro Provincial Police Office (PPO) sa pangunguna ni PCOL EDISON V REVITA katuwang ang ating mga City/Municipal Police Stations.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DhxDRnVip/

Scroll to Top