September 1, 2026 | News by PISD


๐ฃ๐๐ข๐ , ๐ก๐ฎ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ญ๐ฎ๐ฒ๐๐ต ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐ถ๐๐ถ๐น ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐๐ป๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐
01 Setyembre 2026, Bulwagang Panlalawigan- Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang 126th Philippine Civil Service Anniversary na may temang โBawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing para sa Bayanโ
Pinangunahan ng mga kawani ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) sa pangunguna ni PHRM Officer Anna Marie DC Reyes ang isinagawang flag ceremony na nagsilbing unang bahagi ng programa. Bilang suporta, dumalo rin sa nasabing programa si Vice Governor Atty. CA Jojo S. Perez, Jr.
Naging tampok ng Gawain sa Flag Ceremony sa Kapitolyo ang PGOM Zumba bilang bahagi ng selebrasyon.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang, inilaan din ang Lingkod Bayani Rewards, kung saan maaaring makakuha ng mga diskwento ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga participating establishments tulad ng Mabuhay Panciteria, Add+ Coffee, Malaya Body Massage & Spa, Remโs Pet Supplies & Accessories Shop, at marami pang iba para sa buwan ng Setyembre.
Maaaring ma-avail ang mga diskwento sa pamamagitan lamang ng pagpapakita ng PGOM ID.
