August 31, 2026 | News by PISD


๐๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ, ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ก๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ง ๐ง๐
31 Agosto, San Teodoro, Oriental Mindoro โ Sinimulan ngayong araw ang pagsasanay para sa pagbabalangkas ng Public Service Continuity Plan (PSCP) ng lalawigan ng Oriental Mindoro na ginaganap sa Captainโs Cabin Resort sa Brgy. Tacligan.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Vinscent B. Gahol ang mga kinatawan mula sa ibaโt ibang tanggapan sa Kapitolyo dahil sa kanilang mahalagang ambag at pakikiisa sa pagbabalangkas ng PSCP ng lalawigan.
Aniya, mahalagang magkaroon ng malinaw na plano upang matiyak na magpapatuloy ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa kabila ng anumang kalamidad o krisis na maaaring maranasan ng lalawigan.
Binigyang-diin naman ni Provincial Human Resource and Management (PHRM) Officer Anna Marie DC Reyes na ang pagbabalangkas ng PSCP ay hindi lamang isang compliance o pagtupad sa kinakailangang dokumento, kundi isang mahalagang hakbang na tunay na kinakailangan ng lalawigan, lalo naโt nakararanas ito ng ibaโt ibang uri ng hazard o panganib.
Pinangangasiwaan ang naturang pagsasanay ng PDRRMO sa pakikipagtulungan ng PHRMO at Office of Civil Defense (OCD) na tatagal hanggang Setyembre 4.
