National Heroes’ Day 2026

August 31, 2026 | News by PISD

🇵🇭 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗥𝗢𝗘𝗦’ 𝗗𝗔𝗬 🇵🇭

Ngayong araw ng mga bayani, ating gunitain ang katapangan, sakripisyo, at maalab na pagmamahal sa bayan ng mga bayaning buong-pusong nag-alay ng kanilang buhay para makamit ng bansang Pilipinas ang kalayaan at kinabukasan ng sambayanang Pilipino.

Gayundin sa mga makabagong bayani ng ating lipunan na nagpapakita ng malasakit, pagkakaisa at tapat na paglilingkod para sa iba at sa bayan.

Nawa’y patuloy nating ipakita ang pagmamahal sa ating bayan at sa kapwa bilang nagkakaisang vansang Pilipinas.

Mabuhay ang mga bayaning Pilipino, mabuhay ang sambayanang Pilipino!🇵🇭

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CpqTtEzY5/

Scroll to Top