Aplikasyon para sa National Competitive Examination para sa School Year 2027-2028, bukas na

September 1, 2026 | News by PISD

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢: Para sa mga gustong maging iskolar at makapag-aral sa Philippine Science High School (PSHS), ipinababatid ng pamunuan ng naturang paaralan na bukas ang aplikasyon para sa National Competitive Examination para sa School Year 2027-2028.

Ang mga mag-aaral na tutungtong ng Grade 7 sa SY 2027-2028 ay maaaring magsumite ng aplikasyon hanggang sa ika-30 ng Enero 2027.

Pinadali rin ang pagsusumite ng aplikasyon dahil maaari itong maipasa online sa 𝗻𝗰𝗲.𝗽𝘀𝗵𝘀.𝗲𝗱𝘂.𝗽𝗵. Gayunpaman, maaari pa rin itong ipasa sa alinmang pinakamalapit na campus, DOST Regional Office o sa Provincial Science and Technology Office (PSTO).

Para malaman ang listahan ng mga kinakailangang requirement, bisitahin lamang ang 𝗽𝘀𝗵𝘀.𝗲𝗱𝘂.𝗽𝗵.

Kung may iba pang mga katanungan hinggil dito, kontakin lamang ang PSHS System Admissions Office sa kanilang email 👉 𝗮𝗱𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻𝘀@𝗽𝘀𝗵𝘀𝘀𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺.𝗲𝗱𝘂.𝗽𝗵.

Source: https://www.facebook.com/share/p/19QNHrH7ft/

Scroll to Top