24th Development Policy Research Month, ipinagdiriwang

September 1, 2026 | News by PISD

๐Ÿฎ๐Ÿฐ๐˜๐—ต ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐˜† ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด

Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pagdiriwang ng 24th Development Policy Research Month (DPRM) ngayong buwan ng Setyembre.

Pinangangasiwaan ang selebrasyong ito ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) sa temang: โ€œMatatag na Institusyon, Maunlad na Yamang Tao.”

Isa itong pagkilala sa mahalagang papel ng pananaliksik sa patuloy na pagbuo at paghubog ng mga polisiya at programang tumutugon sa mga pangangailangan ng mamamayan at nagsusulong ng pangmatagalang kaunlaran para sa bayan.

Sa layuning ito, buo ang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsusulong ng mas mahusay at makabuluhang pamamahala, at pagpapahalaga sa pananaliksik at kaalaman bilang mahalagang pundasyon sa pagbuo ng mga desisyong makatutulong sa patuloy na pag-unlad para sa kapakanan ng sambayanan.

#MatatagNaInstitusyon#MaunladNaYamangTao#PartnershipsForTransformation#DPRM2026#24thDPRM

Source: https://www.facebook.com/share/p/1E62SfpyQv/

Scroll to Top