August 27, 2026 | News by PISD


๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ ๐ฆ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐ฆ๐๐บ๐บ๐ถ๐, ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ
27 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan โ Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang Oriental Mindoro Sports and Youth Summit na naglalayong palakasin ang ugnayan ng ibaโt ibang sektor para sa higit pang pagpapaunlad ng sports at pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga atletang Mindoreรฑo.
Tinalakay sa summit ang mga pangunahing hakbang at programa para sa patuloy na pag-unlad ng sports sa lalawigan. Kabilang ang paghubog ng mga atleta, pagpapalakas ng mga programa sa sports, at pagbibigay ng suporta sa mga kabataan at sports stakeholders.
Inilahad ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor ang kalagayan ng sports development sa Oriental Mindoro at ang ibaโt ibang programang ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan upang patuloy na malinang at mahubog ang potensyal ng mga kabataang atleta at makalikha ng mga world-class na atletang Mindoreรฑo.
Binigyang-diin ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairperson John Patrick C. Gregorio ang programang isinusulong ng PSC na nakatuon sa Grassroots to Gold, from Gold to Greatness.
Ibinahagi niya na ang tamang paghubog ng isang future Olympian ay dapat magsimula sa edad na 10 hanggang 14 na taong gulang.
Aniya pa, masuwerte ang Oriental Mindoro dahil sa suporta ng mga lokal na lider sa pangunguna ni Gobernador Bonz at Bise Gobernador Antonio S. Perez, Jr. sa sports at mabuting pamamahala, partikular sa pagkakaroon ng mga lider na nagbibigay-halaga sa kapakanan at pag-unlad ng kabataan.
Inihayag din ni Chairperson Gregorio ang planong pagpapatayo ng โฑ50 milyong Football Field sa Oriental Mindoro Sports Complex, gayundin ang pagtatatag ng Archery Range bilang suporta ng PSC sa Oriental Mindoro na magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga kabataang Mindoreรฑo.
Naging bahagi rin ng summit ang open forum at press conference, gayundin ang turnover ng mga kagamitang pang-isports bilang suporta sa mga atleta at sports organizations sa lalawigan.
Tinalakay rin ang mahahalagang usapin hinggil sa sports development, kabilang ang athlete-centered coaching, paggamit ng social media para sa sports promotion, standards at best practices sa sports reporting, high-performance sports program, at sports psychology para sa higit na pag-unlad ng performance at kapakanan ng mga atleta.
Lumahok sa summit ang mga kinatawan mula sa mga lokal na pamahalaan, sports officials, Sangguniang Kabataan Federation Presidents, teacher-coaches mula sa Department of Education (DepEd), mga lokal na kolehiyo at unibersidad, sports associations, organizations, clubs, athletes at coaches.
Sa pamamagitan ng Oriental Mindoro Sports and Youth Summit, higit na maisusulong ang pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan, PSC at ibaโt ibang sports community tungo sa isang mas organisado, inklusibo at sustainable na sports development program na magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga atleta at kabataan ng Oriental Mindoro.

