August 26, 2026 | News by PISD


TINGNAN: Binisita ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman John Patrick C. Gregorio, kasama ang iba pang kinatawan mula sa PSC, ang Sentrong Pangkabataan sa Barangay Sta. Isabel, Lungsod ng Calapan at ang Oriental Mindoro Sports Complex sa Barangay Santiago, Bayan ng Naujan, sa kaniyang pagdating sa lalawigan ngayong araw, Agosto 26.
Ito ay kaugnay ng gaganaping Oriental Mindoro Sports and Youth Summit bukas sa lalawigan.
Kasama sa naturang gawain sina Governor’s Office (GO) Chief of Staff Nette Dalupan, Executive Assistant IV Jose Maria Dalupan, at GO-Special Concerns Division Chief Junielo Alcuran.
Layunin ng pagbisita na makita ang mga pasilidad na maaaring maging bahagi ng mga programa ng PSC para sa patuloy na pagpapalakas ng sports development at mga programang pangkabataan sa Oriental Mindoro.

