Pagbibigay-pugay sa mga barangay na nakamit ang 95% base sa projected target ng MR SIA

August 27, 2026 | News by PISD

𝐏𝐀𝐆𝐁𝐈𝐁𝐈𝐆𝐀𝐘-𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐌𝐈𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝟗𝟓% 𝐁𝐀𝐒𝐄 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓𝐄𝐃 𝐓𝐀𝐑𝐆𝐄𝐓 𝐍𝐆 𝐌𝐑 𝐒𝐈𝐀

Narito ang ilan sa mga barangay sa bayan ng Oriental Mindoro na matagumpay na nakamit ang 95% batay sa projected target ng MR SIA mula Agosto 10 hanggang Agosto 27.

Ang Provincial DOH Office – Oriental Mindoro ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong nasa likod ng matagumpay na pagsasagawa ng Ligtas Tigdas – Measles Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) sa kanilang lugar. Saludo kami sa inyo!

Mahalagang bigyang-pansin ng mga magulang ang kalusugan ng kanilang mga anak at magtiwala sa gabay at payo ng mga health worker, sa halip na maniwala sa mga maling impormasyon at balitang kumakalat online.

Kaya mga nanay at tatay, maaari pa ring humabol at pabakunahan ang inyong mga anak! Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa dagdag na proteksiyon laban sa mga sakit na ito.

Pumunta sa pinakamalapit na health center o sa mga itinalagang fixed or temporary vaccination sites sa inyong lugar para mabigyan ng karagdagang proteksyon kontra tigdas at tigdas-hangin ang inyong mga anak!

——

𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐰𝐚𝐢𝐧, 𝐔𝐧𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐌𝐢𝐧!

#DOH

#DepartmentofHealth

#PDOHOOrientalMindoro

#HealthyOrientalMindoro

#BawatBuhayMahalaga

Source: https://www.facebook.com/share/1FGEQbh5sq/

Scroll to Top