August 27, 2026 | News by PISD

๐๐ถ๐ฑ ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ฃ๐ต๐ฝ๐ฐ๐ฌ๐ณ๐ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด-๐ถ๐บ๐ฝ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ๐ธ๐๐๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฅ๐๐ฃ, ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ
27 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan โ Isa-isang sinuri ng mga myembro ng Bids and Awards Committee (BAC) ang mga mahahalagang dokumentong isinumite ng mga contractors na lumahok sa Bid Opening ng mahigit Php407M na proyektong โConcreting of Merit- Concepcion, Victoria – Ma. Concepcion – Happy Valley- Bugtong na Tuog, Socorro Farm-to-Market Road (FMR) with Bridgeโ ngayong araw sa Kapitolyo.
Isa itong bahagi ng kabuuang proseso ng bidding para sa nasabing proyekto na naglalayong maitiyak na kumpleto, wasto, naaayon sa itinakdang oras at tumutugon sa iba pang mahahalagang pamantayan ng nasabing proseso ang mga ipinasang dokumento ng mga lumahok na kumpanya.
Pinangunahan ang bidding ni BAC Chairperson at Provincial Administrator (PA) Atty. Earl Ligorio R. Turano II, katuwang ang BAC Secretariat na pinamumunuan ni GO – Procurement Division Administrative Officer V Engr. Jollie Ver Lasic.
Mahigpit na nanawagan si PA Turano sa mga lumahok na bidders na magsagawa ng inspeksyon sa site na pagtatayuan ng nasabing proyekto upang maging pamilyar sa aktuwal na kondisyon ng lugar.
Matutukoy rin aniya sa pamamagitan nito ang mga posibleng hamon sa konstruksyon upang maiwasan ang problema sa panahon ng pagsasakatuparan nito.
Ang nasabing proyektong pang-imprastraktura na nakapaloob sa Philippine Rural Development Project (PRDP) ay magkatuwang na pangungunahan ng Department of Agriculture (DA) at Pamahalaang Panlalawigan sa layuning matulungan ang mga magsasakang higit na mapadali at mapabilis ang paghahatid ng mga lokal na produkto sa mga pamilihan.
Matapos ito, sasailalim ang bidders sa mas detalyadong ebalwasyon upang kumpirmahin ang mga impormasyong kanilang isinumite at alamin kung alin sa kanila ang pinaka-kwalipikado upang maisakatuparan ang konstruksyon ng nasabing proyekto.
Samantala nakiisa naman sa gawain ang mga kinatawan ng PRDP, BAC Vice Chairperson Romeo L. Paner, BAC members na sina Provincial Engineer Edylou Tejido, GO – Special Concerns Division (SCD) Chief Junielo P. Alcuran, Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Vinscent B. Gahol at Management Information Services Division (MISD) Head Reywel M. Dela Roca, at mga kinatawan mula sa Provincial Agriculturistโs Office (PAgO).

