August 25, 2026 | News by PISD

๐ ๐๐ฌ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ ๐ฆ๐๐ข๐ข๐ง๐๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐๐๐ก?
๐๐๐๐ ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐๐ง ๐๐ง ๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐ง ๐๐๐ช๐๐ก
๐๐๐ ๐๐๐๐ก๐๐ก๐ ๐ข๐ช๐ก๐ ๐จ๐ ๐๐ง๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ก ๐๐๐ฃ๐๐ค๐ง๐ค ๐๐ค๐ก๐๐๐ ๐๐ง๐ค๐ซ๐๐ฃ๐๐๐๐ก ๐๐๐๐๐๐
Kung may insidente ng active shooting sa paaralan, mahalagang manatiling alerto at malaman ang tamang gagawin. Ang mabilis ngunit maingat na pagkilos ay makatutulong upang maprotektahan ang sarili at ang iba. Narito ang mga dapat at hindi dapat gawin sa ganitong sitwasyon:
DAPAT GAWIN
โข UMALIS kung may ligtas na daan palayo sa panganib.
โข Kung hindi ligtas lumabas, MAGTAGO sa lugar na hindi madaling makita o mapasok.
โข Isara at i-lock ang pinto, kung maaari, at lumayo sa mga bintana at pintuan.
โข Manatiling tahimik at i-silent ang cellphone.
โข Sumunod sa instructions ng school personnel at responding authorities.
โข Kapag ligtas na, ipaalam agad sa awtoridad ang mahalagang impormasyon tungkol sa insidente.
HUWAG GAWIN
โข Huwag lumapit o magtungo sa lugar kung saan nangyayari ang pamamaril.
โข Huwag bumalik para kumuha ng gamit, litrato, o video.
โข Huwag gumawa ng ingay o kilos na maaaring magbigay ng atensyon sa iyong kinaroroonan.
โข Huwag magtipon-tipon sa bukas o exposed na lugar.
โข Huwag sundin ang hindi kumpirmadong impormasyon; awtoridad ang pakinggan.
BAGO MAG-POST, COMMENT O SHARE
DAPAT
โข Beripikahin muna ang impormasyon bago ibahagi.
โข Protektahan ang pagkakakilanlan at privacy ng mga menor de edad.
โข Ibahagi lamang ang impormasyong makatutulong at galing sa mapagkakatiwalaang source.
โข Isaalang-alang ang kapakanan at kalagayan ng mga biktima, pamilya, at komunidad.
HUWAG
โข Huwag magpakalat ng sensitibong larawan o video ng insidente.
โข Huwag magbunyag ng pangalan, mukha, o personal na detalye ng mga menor de edad.
โข Huwag mag-sensationalize gamit ang clickbait, mapanlinlang na caption, o โviralโ framing.
โข Huwag manghula sa motibo, sisihin ang sinuman, o magbigay ng impormasyon na hindi pa kumpirmado.
Sa oras ng panganib, ang tamang kaalaman at tamang pagkilos ay maaaring makapagligtas ng buhay. Mula sa Oriental Mindoro Police Provincial Office, hinihikayat namin ang lahat na maging handa, at kumilos nang responsable. Unahin ang kaligtasan, makinig sa awtoridad, at maging bahagi ng solusyon sa pagpapanatili ng ligtas na paaralan at komunidad.
—
โ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ก๐ฃ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐: ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐, ๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐, ๐ฎ๐ ๐ก๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฑ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ปโ

