Public Service Continuity Plan ng Oriental Mindoro, babalangkasinย 

August 24, 2026 | News by PISDย 

๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ, ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป

24 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan โ€” Isinagawa ngayong araw ang oryentasyon sa gagawing pagsasanay kaugnay ng pagbabalangkas ng Public Service Continuity Plan (PSCP) ng lalawigan ng Oriental Mindoro na ginanap SP Board Room sa Batasang Panlalawigan.

Ang PSCP ay isang dokumento na naglalaman ng mga hakbang at pamamaraan ng ahensya ng pamahalaan o institusyon upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng mahalagang serbisyo sa publiko kahit may sakuna, kalamidad, o emergency. Kabilang dito ang pagtukoy sa mga essential functions na hindi dapat itigil, risk assessment, pagkakaroon ng alternate work arrangement, leadership succession at tamang komunikasyon sa loob at labas ng ahensya.

Inaasahang magsisilbing gabay ang mabubuong PSCP upang mapalakas ang kahandaan at kakayahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa patuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyo publiko sa kabila ng mga banta at epekto ng kalamidad, sakuna at iba pang emergency situations.

Dinaluhan ang oryentasyon ng mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang tanggapan sa Kapitolyo.

Samantala, isasagawa ang pagsasanay at pagbabalangkas ng mga plano sa Agosto 31 hanggang Setyembre 4 para sa bubuuing PSCP ng lalawigan na pangangasiwaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pakikipagtuwang sa Provincial Human Resource Management Office (PHRMO).

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/1D2dLPa5xA/

Scroll to Top