August 23, 2026 | News by PISD

Walang malayo o malapit.
Ngayong araw ay nasa Barangay Baras, Baco ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan upang magpaabot ng tulong sa mga kapatid nating Katutubong Mangyan.
Pagpupugay sa mga kawani ng Pamahalaan na hindi alintana ang pagtawid sa ilog makapaghatid lang ng tulong sa Barangay Baras. Maraming salamat sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pangunguna ni Zarah Magboo at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pangunguna ni Vincent Gahol na kahit linggo ay patuloy na naglilingkod sa mamamayan.

