Public Advisory ng LGU Naujan

August 18, 2026 | News by PISD

PUBLIC ADVISORY | LGU NAUJAN

Dahil sa patuloy na pag-ulan at pag-apaw ng mga ilog, ipinapaalam po sa lahat na ang Local Government Unit (LGU) of Naujan ay magkakaroon lamang ng office hours hanggang 12:00 NOON.

OFFICE HOURS: UNTIL 12:00 NOON ONLY

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at sa direktiba ng ating butihing Mayor Punumbayan Henry Joel C. Teves.

Samantala, mananatiling bukas at nakaantabay ang mga kinauukulang tanggapan at ahensya ng Lokal na Pamahalaan na nangangalaga sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga mamamayan.

Patuloy po tayong mag-ingat at maging alerto. Kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.

Para sa mga karagdagang impormasyon at anunsyo, manatiling nakatutok sa opisyal na updates ng LGU Naujan at MDRRMO.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Manatiling ligtas, NaujeƱos!

Source: https://www.facebook.com/share/p/1K2ynxFJjc/

Scroll to Top