August 18, 2026 | News by PISD

𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗢𝗥𝗠𝗜𝗡 𝗣𝗣𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡!
Ang Habagat o Southwest Monsoon ay hanging nagmumula sa timog-kanluran na maaaring magdala ng maulap na kalangitan, tuloy-tuloy o malalakas na pag-ulan, at pagbugso ng hangin sa ilang bahagi ng bansa. Sa Oriental Mindoro, maaari itong magdulot ng pagbaha, pagguho ng lupa, at mapanganib na kondisyon sa mga kalsada.
Patuloy ang mga kapulisan ng Oriental Mindoro PPO sa pagbabantay, pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya, at mabilis na pagtugon sa mga insidenteng may kaugnayan sa masamang panahon.
PAALALA SA LAHAT:
• Manatiling updated sa weather advisories mula sa mga awtoridad.
• Iwasang bumiyahe kung hindi kinakailangan, lalo na sa lugar na binabaha o prone sa landslide.
• Huwag tumawid o dumaan sa rumaragasang tubig at baha.
• Maghanda ng emergency kit at mahahalagang gamit sakaling kailanganing lumikas.
• Sundin ang abiso ng barangay at lokal na pamahalaan kung kinakailangang lumikas.
• Panatilihing ligtas ang mga bata at matatanda at huwag silang hayaang lumabas nang walang sapat na dahilan.
• Kung may napansing panganib o nangangailangan ng agarang tulong, agad na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya o awtoridad.
Sa oras ng emergency, huwag mag-atubiling humingi ng tulong. Tumawag sa 911 o sa hotline ng pinakamalapit na istasyon sa inyo.
HOTLINE NUMBERS:
1st PMFC
0919 093 7530
BACO MPS
0906 221 5854
BULALACAO MPS
0915 258 7225
MANSALAY MPS
0917 770 1837
POLA MPS
0915 225 4041
SAN TEODORO MPS
0977 320 7275
2nd PMFC
0998 967 4562
BANSUD MPS
0917 770 9813
CALAPAN CPS
0998 598 5813
NAUJAN MPS
0917 743 0311
PUERTO GALERA MPS
0917 329 6806
SOCORRO MPS
0906 522 5825
PTPU
0906 447 3313
BONGABONG MPS
0936 900 2291
GLORIA MPS
0945 376 0667
PINAMALAYAN MPS
0915 591 5904
ROXAS MPS
0927 894 7440
VICTORIA MPS
0906 352 6303
PDRRMO Oriental Mindoro
0948-146-0382
0920-951-3690
Maging handa. Maging alerto. Manatiling ligtas.
—
“𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗡𝗣 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀: 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀, 𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁, 𝗮𝘁 𝗡𝗮𝗿𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺𝗮𝗻”

