August 18, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Patuloy ang pag-alalay ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) katuwang ang iba pang ahensya sa mga stranded na pasaherong tumatawid sa bahagi ng kalsadang lubog sa baha sa Barangay Bucayao, Lungsod ng Calapan.
Katuwang ng PDRRMO ang mga taga-PNP MIMAROPA, Calapan City Police Station, PNP Regional Mobile Force Battalion, Department of Public Works and Highways (DPWH), Calapan City DRRMO at City Public Safety Department (CPSD).
Patuloy ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensya upang maitiyak ang kaligtasan at agarang pag-alalay sa mga apektadong biyahero at residente.

