HATID, naghandog ng libreng lugaw at tinapay

August 18, 2026 | News by PISD

𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗, 𝗡𝗮𝗴𝗵𝗮𝗻𝗱𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝘄 𝗮𝘁 𝘁𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝘆

Naghandog ng libreng lugaw at tinapay ang HATID, isang local food business delivery sa Lungsod ng Calapan, para sa mga residente, stranded passengers, motorista at responders sa bahagi ng Km.12, Barangay Biga.

Sa pamamagitan ng simpleng pagbabahagi ng pagkain, layunin ng HATID na makapagbigay ng suporta at kaunting ginhawa sa mga naapektuhan ng pagbaha at patuloy na nagbabantay sa sitwasyon sa lugar.

Bahagi ito ng kanilang corporate social responsibility (CSR) at pakikipagbayanihan upang makatulong sa mga mamamayang nangangailangan ng pag-agapay sa gitna ng nararanasang masamang panahon.

📷HATID

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/19ikfk6K83/

Scroll to Top