Php17.9M makabagong medical equipment, dagdag kagamitan sa OMCDH

August 16, 2026 | News by PISD

₱ 𝟭𝟳.𝟵𝗠 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗲𝗾𝘂𝗶𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗱𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴 𝗸𝗮𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗢𝗠𝗖𝗗𝗛

Patuloy na sinisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na mapabuti at mapalakas ang serbisyong pangkalusugan sa mga pampublikong ospital sa lalawigan.

Bahagi ng adhikaing ito ang pagdadagdag ng mga makabagong kagamitang medikal tulad ng mahigit Php 17M medical equipment na matagumpay na nai-turn-over sa pamunuan ng Oriental Mindoro Central District Hospital (OMCDH) ngayong ika-16 ng Agosto.

Pinangunahan ang gawain ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor kasama si Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor.

Ayon kay OMCDH Chief Dr. Dante A. Nuestro, mas magiging episyente ang serbisyong kanilang maipagkakaloob sa mga mamamayan dahil sa tulong ng mga bagong kagamitang ito.

Sa pamamagitan din nito, mas mapalalawak ang kapasidad ng naturang ospital sa pagtugon sa mga kinakailangang atensyong medikal ng mga pasyente rito.

Kasama sa mga bagong kagamitang tinanggap ng OMCDH ang anesthesia machine na may ventilator, cardiac monitor, cardiotocography machine, portable ultrasound machine, ultrasound machine na may transvaginal probe, defibrillator, anesthesia stainless trolley with drawer at portable digital x-ray machine.

Samantala, nakiisa sa gawain sina Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante, Bokal Rolando H. Ruga, Pinamalayan Mayor Rodolfo Magsino at Pinamalayam Vice Mayor Aristeo Baldos Jr.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/19PXD3aV4b/

Scroll to Top