August 15, 2026 | News by PISD

𝗚𝗦𝗣 𝗧𝗿𝗼𝗼𝗽 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀 𝘀𝗮 𝗜𝗸𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝘁𝗼, 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗥𝗼𝘂𝗻𝗱𝘁𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲
15 Agosto 2026, Gloria — Nagtipon ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) Troop Leaders mula sa Bansud, Gloria, at Pinamalayan West at East para sa Troop Leaders Roundtable Conference na ginanap sa Punzalan, Gymnasium.
Layunin ng gawain na talakayin at dinggin ang boses ng bawat GSP-TL ukol sa mga mahahalagang usapin, programa at mga susunod pang gawain ng GSP sa kani-kanilang bayan at maging sa lalawigan.
Sa pamamagitan nito, mas mapalalakas ang kanilang koordinasyon tungo sa higit pang pagpapaunlad ng mga aktibidad ng GSP na nakatuon sa patuloy na paghubog ng kaisipan, disiplina, at iba pang mabuting kaugalian ng mga kabataang babae.
Gayundin, nanumpa sa harap ni GSP-Oriental Mindoro Council President First Lady Hiyas R. Dolor sina Gloria Mayor Teresita Ong at Municipal Councilor Nelcy Ong bilang bagong GSP honorary members.
Kabilang sa mga dumalo rito sina GSP-Oriental Mindoro Vice President for Field Nelia Samaco, Legal Council Committee Chair Corazon Agarap, Council Executive Judith Jabal, Communication Council Board Herminigida L. Cortas, at Chief Trainer Arlene Ferrancol.

