FROM ANI TO OPPORTUNITY: Pagpapalakas ng Value Addition sa agrikultura sa OrMin.

August 15, 2026 | News by PISD

๐—™๐—ฅ๐—ข๐—  ๐—”๐—ก๐—œ ๐—ง๐—ข ๐—ข๐—ฃ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฒ ๐—”๐—ฑ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ

Hindi nagtatapos sa pag-aani ang halaga ng isang produktong agrikultural. Sa tamang kaalaman, teknolohiya, at kasanayan sa pagproseso, maaaring gawing mas mataas ang halaga ng ani at makalikha ng mga bagong oportunidad sa kabuhayan.

Noong Agosto 11โ€“13, 2026, matagumpay na isinagawa ang ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐จ๐ง ๐•๐š๐ฅ๐ฎ๐ž ๐€๐๐๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐€๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐จ๐๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ ๐ข๐ง ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ sa Provincial Demonstration Farm, Merit, Victoria.

Bahagi ito ng Value Addition Program ng Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO) sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Christine M. Pine, na naglalayong palakasin ang kaalaman at praktikal na kasanayan ng mga magsasaka, kooperatiba, at iba pang agricultural groups sa value addition, food processing, at food safety.

Dalawampuโ€™t isang (21) kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang samahan ng mga magsasaka sa lalawigan ang lumahok sa tatlong araw na training. Sa pamamagitan ng hands-on activities, natutunan nila ang pagproseso ng iba’t ibang value-added products, kabilang ang Freeze-dried products, Rice-based products, Wines, at Baked products.

Mula sa paghahanda ng sangkap hanggang sa aktuwal na pagproseso at paggamit ng angkop na kagamitan, nabigyan ang mga kalahok ng praktikal na karanasan sa pagbuo ng mga produktong may dagdag na halaga.

Higit pa sa pagkatuto ng bagong pamamaraan, layunin ng pagsasanay na mahikayat ang mga samahan na makita ang potensyal ng kanilang mga ani bilang value-added products at posibleng agri-enterprises.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa ilalim ng pamumuno ni Governor Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor, ang mga programang nagpapalakas sa kakayahan ng mga magsasaka, kooperatiba, at agri-preneurs.

๐ŸŒฑ Mula sa ani, tungo sa dagdag na halaga. Mula sa produkto, tungo sa bagong oportunidad.

Source: https://www.facebook.com/share/1DjKs2wymE/

Scroll to Top