August 14, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Hindi natatapos sa pagbibigay lamang ng pagsasanay ang kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga kalahok na pulis sa limang (5) araw na Basic Life Support (BLS) at Standard First-Aid Training dahil bukod dito, namahagi rin ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng mga first-aid kit at sphygmomanometer sa mga ito.

