August 13, 2026 | News by PISD


TINGNAN: Mas palalawakin ang akses ng mga Contract of Service (COS) at Job Order workers ng pamahalaan sa mga programang nakatuon sa social protection.
Ito ay ayon sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakapaloob sa Administrative Order No. 43.
Ayon dito, ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno (Pag-IBIG Fund) ay inaatasang pangasiwaan ang boluntaryong pagkaltas ng itinaktang kontribusyon sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG ng mga COS at JO workers.
Nananatiling nakadepende pa rin sa kapasyahan o pahintulot ng mga empleyado ang gagawing pagkaltas ng kanilang kontribusyon.
Saklaw ng kautusang ito ang mga National Government Agency (NGA), Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at State Universities and Colleges (SUCs).
Samantala, hinihikayat naman ang mga Local Government Unit (LGU) na ipatupad din ang mga probisyon ng kautusang ito.
SOURCE: Philippine News Agency

