Table Validation para sa mga nominado sa Ulirang Nakatatanda 2026, umarangkada na

August 12, 2026 | News by PISD

𝗧𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗩𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗡𝗼𝗺𝗶𝗻𝗮𝗱𝗼 𝘀𝗮 𝗦𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗳𝗼𝗿 𝗨𝗹𝗶𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗱𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗨𝗺𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗱𝗮 𝗡𝗮

12 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan – Umarangkada na ang table validation para sa mga nominado sa Search for Ulirang Nakatatanda 2026, na pinamamahalaan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Layunin ng validation process na masusing suriin at beripikahin ang mga dokumento, kwalipikasyon, at mga ambag sa komunidad ng bawat nominado bilang bahagi ng proseso ng pagpili sa mga natatanging nakatatanda na karapat-dapat na kilalanin ngayong taon.

Pinasalamatan at kinilala ni PSWD Officer Zarah C. Magboo ang suporta ng mga konsernadong ahensya ng pamahalaan partikular ang DepEd- Oriental Mindoro Division, Department of the Interior and Local Government (DILG), Public Information Services Division (PISD)- Office of the Governor, Office of Special Assistant for Senior Citizens Affairs at Office of Senior Citizens Affair (OSCA) na patuloy nilang nagiging katuwang at patuloy na sumusuporta sa programang nakatuon sa kagalingan ng mga pangunahing mamamayan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/19N819GQct/

Scroll to Top