Pre-bidding conference para sa mahigit Php407M proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng PDRP, isinagawa

August 12, 2026 | News by PISD

๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ-๐—ฏ๐—ถ๐—ฑ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ โ‚ฑ ๐Ÿฐ๐Ÿฌ๐Ÿณ๐—  ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฅ๐——๐—ฃ, ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ

12 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan – Bago ang pormal na pagbubukas at pagsasagawa ng bidding para sa konstruksyon ng Php 407,461,000.00 Merit-Concepcion, Victoria-Ma. Concepcion-Happy Valley-Bugtong na Tuog, Socorro Farm-to-Market Road (FMR) with Bridge, isinagawa ang pre-bidding conference ngayong ika-12 ng Agosto sa Provincial Administrator’s Conference Hall sa Kapitolyo.

Ang proyektong ito ay nakapaloob sa Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-up ng Department of Agriculture (DA) na layong mapadali at mabawasan ang gastos sa pagdadala ng mga produktong agrikultural ng mga magsasaka patungong pamilihan, maibenta ang mga produkto sa tama at makataong presyo at mapabilis ang akses ng pamayanan sa mga tulong ng pamahalaan sa mga malalayong barangay.

Sa pagpupulong, ipinaliwanag at binigyang-linaw ni BAC Chairperson at Provincial Administrator (PA) Atty. Earl Ligorio R. Turano II sa mga dumalong prospective bidder ang mahahalagang detalye ng bidding documents, mga itinakdang procurement requirement at kondisyong dapat isaalang-alang sa paghahanda at pagsusumite ng kanilang mga bid.

Ito ay alinsunod sa umiiral na procurement laws at regulasyon ng World Bank ukol sa procurement bago ang implementasyon ng proyekto.

Ayon pa kay PA Turano, ito ang isa sa pinakamalaking procurement project ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang DA, kung kaya’t mahigpit aniyang susubaybayan ng Pamahalaang Panlalawigan ang implementasyon nito hanggang sa matapos. Sa ganitong paraan, maititiyak aniya, na angkop at naaayon ang proyekto sa mismong engineering design nito.

Samantala kasama sa pagpupulong ang mga kinatawan ng PRDP, mga kawani ng Bids and Awards Committee (BAC), sa pangunguna ni BAC Secretariat at Administrative Officer V ng Procurement Division Engr. Jollie Ver Lasic, BAC Vice Chairperson Romeo L. Paner, mga BAC member na sina Special Concerns Division (SCD) Chief Junielo P. Alcuran, Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Vinscent B. Gahol at Management Information Services Division (MISD) Head Reywel M. Dela Roca, kinatawan mula sa Provincial Engineering Office (PEO) at Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO).

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/14kF5H7Ua9E/

Scroll to Top