CSO Academy, suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa CSOs

August 11, 2026 | News by PISD

𝗖𝗦𝗒 π—”π—–π—”π——π—˜π— π—¬, 𝗦𝗨𝗣𝗒π—₯𝗧𝗔 π—‘π—š π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘π—š π—£π—”π—‘π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—œπ—šπ—”π—‘ 𝗦𝗔 π—–π—¦π—’π˜€

11 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan – Bilang kongkretong hakbang sa higit na pagpapalakas ng papel at kakayahan ng Civil Society Organizations (CSOs) sa pamamahala, isinagawa ang unang araw ng panimulang hakbang ng Academy for Civic Empowerment o CSO Academy sa Sentrong Pangkabataan.

Itinatag ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Humerlito β€œBonz” Dolor ang CSO Academy sa pamamagitan ng Executive Order No. 27, Series of 2026, β€œAn Order Establishing the Academy for Civic Empowerment in the Province of Oriental Mindoro, Creating Its Technical Working Group, Designating the Provincial Civil Society Organization Desk as the Lead Implementing Office, and for Other Purposes.”

Ito ay bilang bahagi ng patuloy na suporta ng lalawigan sa pagpapalakas ng kapasidad at aktibong partisipasyon ng mga CSO sa pamahalaan. Kaakibat nito ang pagtatakda sa Provincial Civil Society Organization Desk bilang lead implementing office at lumikha sa Technical Working Group na mangangasiwa, magmo-monitor, at susuri sa pangkalahatang operasyon ng Academy.

Layunin nitong mapaigting ang kasanayan ng mga CSO sa participatory governance, social accountability, at community development, upang maging mas epektibo silang katuwang ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad.

Tinalakay sa gawain ang Disaster Risk Management, na isinagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pamamagitan ni Local Disaster Risk Reduction and Management Officer IV Ivy Kristine A. Basco.

Nagbigay rin ng mahahalagang kaalaman si Provincial Planning and Development Office Project Evaluation Officer II Maria Margarita V. Lopez hinggil sa mga panuntunan sa pag-oorganisa ng isang samahan o kooperatiba, gayundin, sa paggawa ng project proposal at iba pang mahahalagang kaalaman ukol dito.

Ang unang batch ay binubuo ng 30 CSO scholars, na pinili mula sa 62 accredited CSOs.

Kabilang sa mga kinikilalang partner facilitator ng programa ang SARILAYA-Provincial Level at KAFCODE, habang institutional partners ang DILG Oriental Mindoro at Mindoro State University (MinSU).

Nakapaloob din sa programa ang anim na antas ng kurikulum, mula Foundation of Identity hanggang Organizational Sustainability, na sumasaklaw sa local governance, policy development, leadership, networking, at organizational sustainability. Mayroon ding specialized technical tracks para sa participatory governance and social accountability, gender and development, disaster risk reduction and management, environmental protection, fiscal accountability, at final output.

Sa pagtatatag at patuloy na pagsuporta sa CSO Academy, ipinapakita ng Pamahalaang Panlalawigan ang matibay nitong paninindigan na bigyang-kakayahan ang mga CSO na maging mas aktibo, responsable, at epektibong katuwang sa pagsusulong ng participatory, accountable, at makabuluhang pamamahala sa Oriental Mindoro.

Samantala, pinangunahan ang gawain ni Technical Working Group (TWG) Chairperson Atty. Jean Phebie G. De Mesa.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DKADx7oHR/

Scroll to Top