August 7, 2026 | News by PISD

๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ, ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ถ๐ถ๐ด๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป
07 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan โ Patuloy na itinitiyak ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagpapaigting ng proteksyon para sa mga bata sa pamamagitan ng pagbuo ng Provincial Child Protection Policy.
Kaugnay nito, isinagawa ang tatlong araw na Training-Workshop on Crafting the Provincial Child Protection Policy mula ika-5 hanggang ika-7 ng Agosto sa bayan ng Puerto Galera.
Layunin ng aktibidad na higit pang pang palakasin ang kakayahan ng mga miyembro ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) na lumikha ng komprehensibong mga polisiya na nakabatay sa mga ipinanunukala ng mga batas ukol sa karapatan ng mga bata.
Magsisilbi rin itong daan upang mapahusay ang pagpaplano, pagtugon, at pagsasaayos ng mga umiiral na mekanismo sa pangangalaga ng mga bata upang matiyak ang kanilang kapakanan at proteksyon sa Oriental Mindoro.
Pinangunahan naman ang gawain ng mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinamumunuan ni PGDH-PSWD Officer Zarah C. Magboo.

