Pagkilala sa dedikasyon at serbisyo ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa panahon ng kalamidad

August 10, 2026 | News by PISD

✨️APPRECIATION POST 🤗💝

Sa panahon ng mga kalamidad at trahedya, may mga taong hindi natutulog at nagpapahinga. Sa halip, patuloy silang nagbibigay-serbisyo sa mga mamamayang nangangailangan ng kalinga at tulong mula sa pamahalaan.

Ang pagseserbisyo sa mga mamamayan ay walang pinipiling oras, lugar o estado sa buhay.

Lagi itong pinatutunayan ng mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pangunguna ni PDRRM Officer Vinscent B. Gahol, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pangunguna ni PSWD Officer Zarah Magboo, mga kawani ng Governor’s Social and Medical Assistance Center (GSMAC) sa pangunguna ni GSMAC Head Raffy Cataquiz, mga kawani mula sa sektor ng kalusugan, mga lokal na pamahalaan, local DRRM workers at iba pang mga konsernadong ahensya na umagapay sa ating mga kababayang na-stranded, binaha, lumikas dahil sa naging epekto sa lalawigan ng habagat at sa lahat ng mga indibidwal na apektado o mga biktima ng iba pang mga uri ng kalamidad at trahedya.

Ang ganitong uri ng paglilingkod ay nangangailangan ng matibay na dedikasyon at malasakit sa kapwa sapagkat kalimitan, inuuna nila ang kapakanan ng iba bago ang kanilang sarili.

Dalangin natin ang lakas at kaligtasan ng bawat isang responder upang patuloy silang magkaroon ng kakayahan, tapang, tibay ng loob, lakas ng pangangatawan at maayos na kalusugan sa patuloy na pagtugon at pagtulong sa mga nangangailangan sa mga oras na pangangailangan.

Maraming-maraming salamat po sa inyong buhay, serbisyo at sakripisyo!

Mag-iingat po kayo lagi at nawa’y patuloy na gabayan ng ating Panginoon sa lahat ng oras. 🙏💞🙏

Source: https://www.facebook.com/share/p/18KiRc4Cus/

Scroll to Top