August 9, 2026 | News by PISD

𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗯𝗮𝗵𝗮𝗮𝗻, 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻
Muling nagsanib-puwersa ang kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamamahagi ng hot meals sa mga residenteng naapektuhan ng baha sa mabababang lugar ng Barangay Lumangbayan, Lalud at Bucayao sa Lungsod ng Calapan ngayong araw, Agosto 9.
Pinangunahan nina PDRRM Officer Vinscent Gahol at PSWD Officer Zarah Magboo ang naturang pamamahagi.
Nasa 40 pamilya na katumbas ng 211 mga indibidwal ang nabigyan ng pagkain.
Walong pamilya rito o 25 mga indibidwal mula sa Barangay Lumangbayan, 16 pamilya o 50 mga indibidwal sa Brgy. Lalud, at 16 na pamilya o 136 na mga indibidwal sa Brgy. Bucayao.

