MRSIA, matagumpay na nailunsad sa OrMin.

August 10, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—น๐—ฒ๐˜€-๐—ฅ๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—œ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜† (๐— ๐—ฅ ๐—ฆ๐—œ๐—”), ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ถ๐—น๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ

10 Agosto, 2026 Naujan – Pinangunahan ng Department of Health (DOH), Pamahalaang Panlalawigan at Pamahalaang Bayan ng Naujan ang matagumpay na pagsisimula ng LIGTAS TIGDAS: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) sa Bahay Tuklasan, Barangay Santiago, Naujan.

Layunin nitong palawakin ang proteksiyon ng mga bata laban sa measles at rubella sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Pinangunahan ni DOH Undersecretary Atty. Randy B. Escolango, kasama ang mga opisyal ng DOH-MIMAROPA Center for Health and Development at Provincial DOH Office (PDOHO) ang paglulunsad ng programa, katuwang ang Provincial Health Office, na pinamumunuan ni PHO II Dr. Cielo Angela Ante at iba pang stakeholders.

Nagpahayag naman ng pagkilala at pasasalamat si DOH MIMAROPA Regional Director Dr. Rodolfo Antonio M. Albornoz sa mga kumilos upang maisakatuparan ang gawain.

Nagpahayag ng komitment bilang suporta sa programa sina Naujan Mayor Henry Joel C. Teves at Vice-Mayor Candido Melgar, kasama ang Municipal Health Office.

Sumuporta rin sa gawain ang Oriental Mindoro Medical Society (OMMS) na pinamumunuan OMMS President Dr. Augelito L. Goco bilang pakikiisa ng medical community ng lalawigan.

Kabilang sa mga tampok sa kick-off activity ang โ€œKWENTAnong: Community Engagement,โ€ MR SIA Overview, โ€œTalk with the Experts,โ€ testimonya, at ceremonial vaccination.

Hinihikayat naman ang mga magulang at gurdian na samantalahin ang libreng pagbabakuna para sa mga batang kabilang sa target population na edad 6 hanggang 59 buwang gulang (6 months to 4 years and 11 months) ng programa.

Samantala, buong tapang na tinanggap ni Zavien Amarrie Gaba Taรฑala, 4 na taong gulang, mula sa Poblacion 3, Naujan, ang bakuna sa kanya bilang bahagi ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA). Isa lamang siya sa maraming batang nabakunahan sa unang araw ng programa.

Sa batang edad ni Zavien, nauunawaan niya na makatutulong ang bakuna upang mailigtas siya laban sa mga sakit.

Ayon sa kanyang ina na si Lenie Marie, 34, ipinaunawa niya kay Zavien ang kahalagahan ng pagbabakuna at kung paano ito makatutulong sa pagpapanatili ng kanyang kalusugan.

Para kay Mommy Lenie, mahalagang maunawaan ng mga bata at kapwa niya mga magulang ang kahalagahan ng pagbabakuna bilang dagdag na proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan nito.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1H77nSgQLT/

Scroll to Top