Kilalanin ang sintomas ng TB, Magpasuri agad

August 8, 2026 | News by PISD

𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝐈𝐒 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐋𝐔𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇!🫁

𝐊𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐧𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐧𝐭𝐨𝐦𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐓𝐁, 𝐌𝐚𝐠𝐩𝐚𝐬𝐮𝐫𝐢 𝐀𝐠𝐚𝐝!🩺

Ang 𝗧𝘂𝗯𝗲𝗿𝗰𝘂𝗹𝗼𝘀𝗶𝘀 (𝗧𝗕) ay isang nakahahawang sakit na maaaring makaapekto sa sinuman, ngunit ito ay nagagamot at nalulunasan kapag natuklasan nang maaga. Huwag balewalain ang mga senyales tulad ng ubo na tumatagal ng dalawang linggo o higit pa, lagnat, pagpapawis sa gabi, at hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang. Ang maagang pagkilala sa mga sintomas ay mahalaga upang agad na makapagpasuri at makapagsimula ng tamang gamutan.

Ngayong National Lung Month, maging mapagmatyag sa kalusugan ng iyong baga. Kung ikaw o ang isang miyembro ng iyong pamilya ay nakararanas ng alinman sa mga sintomas ng TB, magpakonsulta at magpasuri agad sa pinakamalapit na health center o ospital.

Tandaan, ang maagang pagpapasuri ay nakatutulong hindi lamang sa iyong paggaling, kundi pati sa pag-iwas sa pagkalat ng TB sa iyong pamilya at komunidad.

Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malusog na Oriental Mindoro.

.

.

.

𝘿𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙡𝙪𝙨𝙪𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙊𝙧𝙞𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙈𝙞𝙣𝙙𝙤𝙧𝙤: 𝙔𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙇𝙖𝙠𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙆𝙞𝙣𝙖𝙗𝙪𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣!💚

#phoormin#HealthyOrientalMindoro#KalusuganParaSaLahat#UniversalHealthcare#NationalLungMonth#HealthyLungs#BawatHiningaMahalaga#AlagangBaga

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HmRBAi24W/

Scroll to Top