KILALANIN: Ang batang Mindoreño na buong tapang na nagpabakuna kontra Tigdas

August 10, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Buong tapang na nagpabakuna si Zavien Amarrie Gaba Tañala, 4 na taong gulang, mula sa Poblacion 3, Naujan, bilang bahagi ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA).

Sa batang edad ni Zavien, nauunawaan niya na makatutulong ang bakuna upang mailigtas siya laban sa mga sakit.

Ayon sa kanyang ina na si Lenie Marie, 34, ipinaunawa niya kay Zavien ang kahalagahan ng pagbabakuna at kung paano ito makatutulong sa pagpapanatili ng kanyang kalusugan.

Para kay Mommy Lenie, mahalagang maunawaan ng mga bata at kapwa niya mga magulang ang kahalagahan ng pagbabakuna bilang dagdag na proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan nito.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Ban6m75NJ/

Scroll to Top