August 7, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Nakakaranas ng mahina hanggang malakas na pag-ulan ang buong lalawigan ng Oriental Mindoro ngayong ika-7 ng Agosto, ayon sa 8:02 AM weather update ng Pagasa Southern Luzon.
Dahil dito, nagkansela na ng pasok sa mga paaralan mula Kindergarten hanggang Senior High School (public at private) ang ilang mga punumbayan kabilang ang mga bayan ng:
Pinamalayan
Gloria
Bansud
San Teodoro
Socorro
Mansalay
Lungsod ng Calapan
Samantala, ang mga bayan ng Puerto Galera at Bulalacao ay nagkansela rin ng pasok sa mga paaralan mula kindergarten hanggang kolehiyo, pampubliko man o pribado.
I-refresh ang post na ito para makita ang updated na listahan ng mga bayan na nagkansela ng pasok sa eskwela.

