August 5, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Sa gitna ng patuloy na isinasagawang rehabilitasyon sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH), binasbasan at binuksan ngayong ika-05 ng Agosto ang pansamantalang Out-Patient Department (OPD) nito na nasa Information and Technology (IT) building upang masigurong tuluy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga mamamayan.
Pinangunahan ito ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor at Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante.
Magsisilbi itong pansamantalang lugar para isagawa ang mga outpatient consultation at pagbibigay ng iba pang serbisyong medikal hangga’t hindi pa natatapos ang isinasagawang renobasyon ng building 1 ng OMPH.
Nakiisa sa gawain sina Bokal Alexandra Casubuan-Tan, Bokal Ryan Z. Arago, Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II, at iba pang mga kawani ng OMPH.
