August 5, 2026 | News by PISD

05 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan – Naging mainit ang pagtanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa mga delegasyon ng pari at obispo na lumahok sa ginaganap na SOUTHERN LUZON TAGALOG REGION (SOLTARE) Cup XVII, ika-apat ng Agosto sa Bulwagang Panlalawigan.
Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor kasama si Bise Gobernador Antonio S. Perez, Jr. ang pagtanggap sa mga kaparian mula sa iba’t ibang diosesis na bumubuo ng SOLTARE sa ginanap na Provincial Welcome, Fellowship and Cultural Program sa Kapitolyo.
Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Gob. Bonz ang kahalagahan ng pagkakaisa at magandang ugnayan sa pagitan ng Simbahan at pamahalaan.
Ipinaalala ng Gobernador na MINSAN, kailangan din ng mga pari ng pahinga sa pamamagitan ng SOLTARE Cup sa kabila ng kanilang mga gawain sa ministeryo.
Nasa mahigit kumulang 500 pari at mga Obispo ang lumahok sa SOLTARE Cup XVII ngayong taon sa pangunguna ni Most Rev. Gilbert A. Garcera, Archbishop of the Metropolitan Archdiocese of Lipa at Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Ang SOLTARE ay binubuo ng Arkidiyosesis ng Lipa, Diyosesis ng Imus, Lucena, San Pablo, Gumaca, Boac, Calapan, Apostolic Vicariate ng San Jose, Occidental Mindoro at Prelatura ng Infanta.
