Php79M bagong medical equipment sa OMPH, handa nang magbigay-serbisyo sa Mindoreรฑo

August 5, 2026 | News by PISD

โ‚ฑ ๐Ÿณ๐Ÿต๐—  ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐— ๐—ฃ๐—›, ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†-๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒรฑ๐—ผ

05 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan – Patuloy na sinisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na iangat ang kapasidad ng Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugang kinakailangan ng mga mamamayan.

Kaugnay nito, pinangunahan ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor ang pag-turnover ng mga medical equipment sa OMPH nagkakahalagang โ‚ฑ 79M kasama si Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante ngayong ika-05 ng Agosto.

Kabilang sa mga bagong kagamitang ipinagkaloob ang anesthesia machine na may ventilator, neonatal at infant bubble Continous Positive Airway Pressure (CPAP) machine, cardiac monitor, cardiotocography machine, neonatal vital signs monitoring system, Electrocardiogram (ECG) machine, cautery machine with vessel ligation sealer and trolley, infant incubator, mechanical ventilators para sa bata at matanda, suction machine, phototherapy machine, portable ultrasound machine, rotational hospital bed at iba pang mga kagamitan sa ospital.

Ito ay kabilang sa โ‚ฑ102M medical equipment na dumating kamakailan sa lalawigan lulan ng apat (4) na malalaking truck.

Ang mga karagdagang kagamitang ito ay inaasahang makatutulong sa mga kawani ng ospital upang mas mabilis na tumugon sa pagkakaloob ng mga kinakailangang serbisyong medikal ng publiko.

Bukod dito, isiniguro din ni Gob. Dolor na sasailalim sa mga kinakailangang pagsasanay ang mga kawani ng ospital na maaatasang gagamit nito upang maitiyak na tama at maayos ang paggamit ng mga bagong kagamitang ito.

Nakiisa sa gawain sina Bokal Alexandra Casubuan-Tan, Bokal Ryan Z. Arago, Bokal Ralph Jonnel Recto at Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Bj25Jr9x7/

Scroll to Top