August 6, 2026 | News by PISD

๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ด ๐๐ป๐ฑ๐๐๐๐ฟ๐ ๐ป๐ด ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ, ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด
06 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan – Ang palakasin ang industriya ng pagbababuyan at mapangalagaan ang hog raisers sa lalawigan sa pamamagitan ng pagtitiyak sa pagkakaroon ng patas na presyo at kalakalan ng buhay na baboy at maisiguro ang sapat na supply ng pagkain sa pamamagitan ng sustenableng lokal na produksyon ng baboy.
Ito ang pangunahing layunin ng panukalang ordinansa na inindorso ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor sa Sangguniang Panlalawigan (SP) sa ilalim ng pamumuno ni Vice Governor at SP Presiding Officer Antonio S. Perez, Jr. sa ginanap na Hog Industry Consultation Meeting sa Kapitolyo, Agosto 5.
Ang panukala ay may titulong โAn Ordinance Establishing a Provincial Farmgate Price Review System for Live Hogs, Regulating Commercial Livestock Buyers, Promoting Fair Farmgate Trading Practices, Protecting the Welfare of Local Hog Raisers and for Other Purposeโ .
Nakapaloob dito ang pagbubuo ng Provincial Farmgate Price Review System na pangungunahan ng Provincial Veterinarianโs Office (ProVet), sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Price Coordinating Council (PPCC) at sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture, Department of Trade and Industry at iba pang stakeholders. Sa pamamagitan ng sistemang ito, ay matutukoy ang irerekomendang pinakamababang farmgate price ng mga buhay na baboy na nakabase sa tamang datos.
Layunin din ng panukalang ordinansa na maitatag ang isang evidence-based mechanism para sa pagtukoy ng irerekomendang pinakamababang presyo ng buhay na baboy.
Kabilang din ang akreditasyon ng lahat ng commercial livestock buyers sa lalawigan tulad ng mga mamiili ng buhay na baboy, pagbibyahe sa loob at palabas ng lalawigan, pagkakatay at pagbebenta, at pagpoproseso upang masiguro na sumusunod sila sa itinakdang patakaran.
Ang nasabing panukala ay isasalang pa sa mga pambublikong pagdinig ng SP at inaasahang maaapubahan sa lalong madaling panahon.
