Pagpasok, pagbebenta at transportasyon ng frozen pork, pansamantalang ipagbabawal sa OrMin.

August 5, 2026 | News by PISD

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ธ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ฟ๐—ผ๐˜‡๐—ฒ๐—ป ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—ธ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ

05 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan – Nilagdaan ni Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor ang Executive Order No. 48, Series of 2026, na pansamantalang nagsususpinde sa pagpapatupad ng Executive Order No. 4, Series of 2025 na nagpapahintulot sa pagpasok, pagbebenta, at transportasyon ng frozen pork sa loob ng Oriental Mindoro.

Bahagi ito ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa naturang sektor upang protektahan ang sektor ng hog raisers at ang mga mamimili.

Sa ilalim ng Executive Order No. 48, ipinagbabawal muna ang pagpasok ng frozen pork sa lalawigan hanggang Agosto 31, 2026. Layunin nitong mabigyan ng mas malaking oportunidad sa merkado ang mga lokal na hog raisers, mapataas ang demand sa mga lokal na alagang baboy, at makatulong sa patuloy na pagbangon ng industriya ng pagbababuyan sa Oriental Mindoro. Sa loob ng isang buwan tatasahin ang resulta at dito ibabase ang magiging sunod na hakbang ng ehekutibo.

Bukod dito, nilagdaan din ni Gob. Dolor ang liham sa Sangguniang Panlalawigan (SP) bilang tugon sa mga kahilingan ng hog raisers. Nasasaad rito ang panukalang ordinansa na magtatakda ng mekanismo para sa farm-gate price ng buhay na baboy, upang matiyak ang mas patas na presyo para sa mga lokal na magbababoy at mamimili.

Tinukoy rin ang mga panukalang hakbang para sa proteksyon ng lokal na produksyon, patas na kalakalan, at patuloy na suporta sa mga hog raisers.

Patunay ang gawain sa koordinasyon ng Ehekutibo at Lehislatibo upang suportahan ang mga lokal na hog raisers at ang patuloy na pagsusulong ng mga polisiyang magpapalakas sa industriya ng pagbababuyan habang pinangangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili.

Nagpasalamat si Gob. Dolor sa SP na pinamumunuan ni Bise- Gob. Antonio Perez, Jr. at sa mga dumalo mula sa hog raisers industry sa lalawigan.

Nakiisa rin sa gawain sina SP Board Members Bong Brucal, BM Atty. Roland Ruga, BM Alely Casubuan-Tan, at BM Ryan Arago at mga hepe ng Kapitolyo sa pangunguna ni Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II.

Pinangasiwaan ang gawain ng Provincial Veterinary Office sa pamumuno ni OIC Provincial Veterinarian Dr. Alfredo Manglicmot.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/14o2L7DMh3F/

Scroll to Top