August 4, 2026 | News by PISD

Bawat tulong at pag-agapay ay nararamdaman, maliit man ito o malaki. Kaya naman bilang isang solo parent, malaking ginhawa para kay Nanay Josefina H. Mañibo, 78 at sa kanyang pamilya mula sa Barangay Tabinay, Puerto Galera ang ayudang bigas na kanyang natanggap mula sa pamahalaan. Dahil dito, taus-puso niyang ipinaabot ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. at kay Gob. Bonz Dolor sa pag-abot ng tulong na nagbigay-gaan sa kanilang gastusin sa ilang araw, lalo pa’t napakamahal na ngayon ng mga pangunahing bilihin na kailangan nila sa araw-araw.
