Leptospirosis: Iwasang lumusong sa baha

August 3, 2026 | News by PISD

๐‹๐ž๐ฉ๐ญ๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ: ๐ˆ๐ฐ๐š๐ฌ๐š๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ก๐š!

Kasabay ng tag-ulan ay ang pagtaas ng panganib ng ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ผ๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐˜€๐—ถ๐˜€, isang sakit na maaaring makuha kapag ang balat na may sugat o ang mga mata, ilong, o bibig ay na-expose sa tubig-baha o putik na kontaminado ng ihi ng daga.

Mahalagang maging maingat, lalo na kung kinakailangang lumusong sa baha. Kapag nakaranas ng lagnat, pananakit ng kalamnan (lalo na sa binti), pamumula ng mata, o matinding panghihina matapos malubog sa baha, agad na magpatingin sa pinakamalapit na health center o ospital.

Ang pag-iwas ay nagsisimula sa simpleng hakbang. Iwasang lumusong o maglaro sa baha hangga’t maaari. Kung hindi ito maiiwasan, magsuot ng bota o iba pang proteksyon sa paa, at hugasang mabuti ang katawan gamit ang malinis na tubig at sabon pagkatapos. Panatilihing malinis ang kapaligiran at itapon nang tama ang basura upang makatulong na mabawasan ang pamumugaran ng daga.

Sa tag-ulan, ang pag-iingat ay susi sa pag-iwas sa leptospirosis.

Sama-sama tayong maging handa, mapagmatyag, at responsable para sa mas ligtas at mas malusog na Oriental Mindoro ngayong tag-ulan.

.

.

.

๐˜ฟ๐™–๐™๐™ž๐™ก ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ก๐™ช๐™จ๐™ช๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Š๐™ง๐™ž๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™ˆ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ค๐™ง๐™ค: ๐™”๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ, ๐™‡๐™–๐™ ๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™ž๐™ฃ๐™–๐™—๐™ช๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ!๐Ÿ’š

#phoormin#HealthyOrientalMindoro#KalusuganParaSaLahat#UniversalHealthcare#diseaseprevention#rainyseason#LeptospirosisAwareness#iwasleptospirosis#ligtassatagulan

Source: https://www.facebook.com/share/p/1LUXF9nsaB/

Scroll to Top