Hands-Only CPR Training sa Brgy. Ordovilla, Victoria

August 4, 2026 | News by PISD

𝐇𝐚𝐧𝐝𝐬-𝐎𝐧𝐥𝐲 𝐂𝐏𝐑 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐎𝐫𝐝𝐨𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚, 𝐕𝐢𝐜𝐭𝐨𝐫𝐢𝐚 | 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Nagsagawa ang Municipal Health Office (MHO) ng Victoria, sa tulong ng Provincial Health Office (PHO), ng Hands-Only CPR Training para sa mga Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at mga Kagawad ng Brgy. Ordovilla.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga frontliners at opisyal ng barangay sa agarang pagtugon sa mga kaso ng biglaang cardiac arrest. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman at kasanayan sa Hands-Only CPR, mas maraming buhay ang maaaring mailigtas habang hinihintay ang pagdating ng mas mataas na antas ng serbisyong medikal.

𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐦𝐚𝐲 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲. 💚

Source: https://www.facebook.com/share/p/1GHQTa3pFQ/

Scroll to Top