August 4, 2026 | News by PISD


𝐃𝐞𝐧𝐠𝐮𝐞 𝐀𝐥𝐞𝐫𝐭: 𝟒𝐒 𝐊𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚 𝐃𝐞𝐧𝐠𝐮𝐞![]()
Sa panahon ng tag-ulan, mas mabilis dumami ang mga lamok na maaaring magdala ng 𝗱𝗲𝗻𝗴𝘂𝗲. Ang simpleng pag-iingat sa loob at paligid ng tahanan ay malaking tulong upang maprotektahan ang ating pamilya, lalo na ang mga bata at nakatatanda.
Ugaliing alisin ang mga naipong tubig, takpan ang mga lalagyan ng tubig, magsuot ng proteksiyon laban sa kagat ng lamok, at magpakonsulta agad kapag may lagnat o iba pang sintomas ng dengue. Ang maagang pagkilos ay mahalaga upang maiwasan ang paglala ng sakit.
Mahalagang Paalala: Ang araw-araw na paglilinis, sama-samang pag-iingat, at maagap na pagpapatingin ay susi sa ligtas at dengue-free na komunidad.
Sama-sama tayong maging handa, mapagmatyag, at responsable para sa mas ligtas at mas malusog na Oriental Mindoro ngayong tag-ulan.
.
.
.
𝘿𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙡𝙪𝙨𝙪𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙊𝙧𝙞𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙈𝙞𝙣𝙙𝙤𝙧𝙤: 𝙔𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙇𝙖𝙠𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙆𝙞𝙣𝙖𝙗𝙪𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣!![]()
#phoormin#HealthyOrientalMindoro#KalusuganParaSaLahat#UniversalHealthcare#diseaseprevention#rainyseason#4SKontraDengue#DengueAlert#ligtassatagulan
