BASAHIN: Para sa Barangay Health Workers

August 4, 2026 | News by PISD

𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯𝗦 (𝗕𝗛π—ͺπ˜€).

Ang mga Barangay Health Workers ay malaking parte ng pagpapanatili ng malusog na komunidad sa lalawigan. Kinikilala natin ang kanilang kabayanihan at pagmamahal sa mamamayan.

Aprubado na sa pangatlo at huling pagdinig sa Senado ang panukalang 𝘚𝘦𝘯𝘒𝘡𝘦 π˜‰π˜ͺ𝘭𝘭 π˜•π˜°. 1905 𝘰 π˜”π˜’π˜¨π˜―π˜’ 𝘊𝘒𝘳𝘡𝘒 𝘧𝘰𝘳 π˜‰π˜’π˜³π˜’π˜―π˜¨π˜’π˜Ί 𝘏𝘦𝘒𝘭𝘡𝘩 𝘞𝘰𝘳𝘬𝘦𝘳𝘴. Ito ay magbibigay ng karagdagang suporta ng pamahalaan, mas maayos na sahod at iba pang mga benepisyo para sa ating mga mahal na BHWs.

Ano-ano nga ba ang nakapaloob sa Magna Carta for Barangay Health Workers (BHWs)?

1.) Financial Compensation: β‚±3,000 minimum monthly honorarium para sa mga certified at rehistradong BHWs. Karagdagang transportation allowance at hazard allowance.

2.) Plantilla Integration: Plantilla position para sa kwalipikadong BHW.

3.) Incentives and Gifts: Pagkakaloob ng December cash gift, β‚±10,000 (one time) incentive para sa 15 years na sa serbisyo at deployment subsidy para sa low-income municipalities.

4.) Support and Protections: kasiguraduhan ng GSIS insurance coverage, free legal assistance sa pamamagitan ng Public Attorney’s Office, psychosocial services, at educational assistance para sa isang anak.

Ilan lang ito sa mga benepisyo nakapaloob sa 𝘚𝘦𝘯𝘒𝘡𝘦 π˜‰π˜ͺ𝘭𝘭 π˜•π˜°. 1905 𝘰 π˜”π˜’π˜¨π˜―π˜’ 𝘊𝘒𝘳𝘡𝘒 𝘧𝘰𝘳 π˜‰π˜’π˜³π˜’π˜―π˜¨π˜’π˜Ί 𝘏𝘦𝘒𝘭𝘡𝘩 𝘞𝘰𝘳𝘬𝘦𝘳𝘴.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Bm8e1gE2b/

Scroll to Top