August 5, 2026 | News by PISD

𝑨𝑷𝑷𝑹𝑬𝑪𝑰𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 𝑷𝑶𝑺𝑻 ![]()
![]()
Sa bawat kawani ng Pamahalaang Panlalawigan na naging bahagi ng matagumpay na pamamahagi ng bigas sa lahat ng mga bayan at lungsod sa lalawigan, maraming maraming salamat po sa inyong oras, panahon at walang sawang paglilingkod.
Ang tagumpay ng gawaing ito ay tagumpay ng bawat isa, bunga ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan.
Kinikilala rin natin ang mahahalagang ambag ng lahat ng department head sa Kapitolyo, sa pangunguna ni Provincial Adminstrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II, sa pagtitiyak na maisakatuparan ang layunin ng gawain.
Patuloy nating pagsumikapang maihatid ang tunay na diwa ng serbisyo-publiko para sa kapakanan ng bawat Mindoreño.
