79 magsasaka sa Oriental Mindoro, matagumpay na pumasa sa PhilGAP Group Inspection

August 5, 2026 | News by PISD

𝟕𝟗 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨, 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐏𝐮𝐦𝐚𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐆𝐀𝐏 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧

Matagumpay na pumasa sa isinagawang Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP) Group Inspection ang mga miyembrong magsasaka ng Soro-Soro Ibaba Development Cooperative (SIDC) mula sa Lungsod ng Calapan at Bayan ng Naujan, Oriental Mindoro noong Hulyo 27–29, 2026.

Saklaw ng nito ang 79 akreditadong magsasaka ng palay na may pinagsama-samang lawak na 306.25 ektarya sa Naujan at Calapan City. Bilang bahagi ng proseso ng sertipikasyon, siyam (9) na sakahan ang random na pinili at isinailalim sa masusing inspeksyon alinsunod sa mga alituntunin ng sertipikasyon.

<Basahin ang buong ulat sa comments section>

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DrDwv8Kwm/

Scroll to Top