2,697 pamilya mula sa bayan ng Victoria, nakatanggap ng 10 kilong bigas

August 3, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Nasa 2,697 pamilya mula sa bayan ng Victoria ang nakatanggap ng tig-10 kilong bigas mula sa Food Assistance Project ng Pamahalaang Nasyunal sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) Food Assistance.

Layunin ng programang ito na tulungan ang mga mamamayan sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan lalo pa at patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Isiniguro naman ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor na bagong ani at bagong giling ang mga bigas na ipinamamahagi.

Nakiisa sa gawain ang mga hepe ng Pamahalaang Panlalawigan na sina Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Vinscent Gahol, Provincial Social Welfare and Development (PSWD) Officer Zarah C. Magboo, Special Concerns Division (SCD) Chief Junielo Alcuran at iba pang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Eq7xUxghb/

Scroll to Top