2,319 pamilya sa bayan ng Socorro, benepisyaryo ng Food Assistance Project

August 3, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Ang pamamahagi ng tig-10 kilong bigas sa 2,319 pamilya sa bayan ng Socorro sa pagpapatuloy ng pagpapatupad ng Food Assistance Project ng Pamahalaang Nasyunal sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) Food Assistance.

Ito ay bilang tulong ng pamahalaan sa mga pamilyang lubos na nangangailangan.

Unang bahagi pa lamang ito ng pag-arangakada ng naturang programa at inaasahang tatagal hanggang sa buwan ng Disyembre upang makumpleto ang apat (4) na tranches nito.

Nagpakita naman ng suporta ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Socorro sa naturang programa.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EXJ5ttfqC/

Scroll to Top