PCCDC, nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2026

July 31, 2026 | News by PISD

๐—ฃ๐—–๐—–๐——๐—–, ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

31 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan โ€“ Bago matapos ang buwan ng Hulyo, nakiisa sa pagdiriwang ng Buwang ng Nutrisyon ang mga mag-aaral mula sa Provincial Child Care Development Center (PCCDC) ng Kapitolyo ngayong araw.

Sa temang โ€œNutrisyon at Kalikasan Ating Pangalagaan,โ€ tampok sa gawain ang makukulay na kasuotan ng mga bata na sumisimbolo sa mga masusustansyang gulay at prutas.

Bahagi ng programa ang ibaโ€™t ibang mga aktibidad na nagtuturo sa kanila ng kahalagahan ng pagkain ng gulay upang magkaroon ng malusog na pangangatawan.

Pinangunahan ito ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinamumunuan ni PSWD Officer Zarah C. Magboo.

Buo naman ang naging suporta sa gawain ng mga dumalong magulang at kapamilya sa kanilang mumunting mga mag-aaral.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EJpHzadu2/

Scroll to Top